Patay sa bagyong Sendong umakyat sa 15

PUMALO na sa 15 ang namatay sa paghagupit ng Bagyong Sendong sa Hilagang Mindanao.

Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director Benito Ramos, ang siyam sa mga binawian ng buhay ay  mula sa Barangay Hinaplanon sa Iligan City dahil sa naganap na flashflood.

Tatlo naman ang namatay mula sa Cagayan de Oro City kabilang ang tatlong taong gulang na si Liza Avenido habang tatlo rin ang namatay sa flashflood sa Polangco, Zamboanga del Norte.

Inihayag ni Ramos na nanibago ang mga residente dahil ngayon lang nangyari ang ganito sa kanilang lugar sa loob ng maraming taon.

Pinaalalahanan rin ni Ramos ang mga residente sa Northern Mindanao na mag-ingat dahil sa pautloy na masamang panahon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply