Patintero ng mga ungas

SOLID, mga pare, yung trapik nung Biyernes.

Halos hindi na gumagalaw ang mga sasakyan sa lansangan at ang biyaheng isang kilometro ay tatakbuhin mo ng kalahating oras o

higit pa.

Ang dahilan, sinabayan ng mga ungas ang Christmas rush, Friday rush at tuloy-tuloy na ulan. ‘Yung mga ungas?

Eh di yung mga nagtatalo kung papaano dadalhin sa detention facility ang isang dating pangulong inaakusahan ng pagnanakaw at election sabotage.

Akalain ba naman ninyong yung dalawang lansangan sa Metro Manila, ang EDSA at C-5 ay lagyan ng sangkatutak na security bottle necks bilang pag-aabang sa maaaring daanan ni Gloria Arroyo mula St. Lukes sa Bonifacio hanggang Veterans Hospital.

Tapos, buong araw nagdebate ang dalawang kampo kung isasakay sa helicopter si Arroyo o isa-sakay sa ambulansiya paglipat niya sa Veterans.

Umabot nga sa puntong nagprisinta na lang mag-taxi yung mga Arroyo para matapos na ang debate.

Sinabayan pa ng mga press at media na nagsiposisyon sa lansangan para makakuha ng video at litrato ni Arroyo kahit sagabal na sila sa daloy ng trapiko.

Eh ‘di nagkandaloko-loko na nga ang lagay ng lansangan natin.

‘Yung Tweetdeck nga ng MMDA sa bandang huli ay wala nang traffic up-date, apology o paumanhin na lang ang nakalagay kasi wala na rin silang magawa.

Isipin ninyo, ni hindi binigyan ng pakundangan ng mga nagpapatinterong ungas ang hirap ng mga motorista, basta yung

gusto nila ang inisip at ang debate ay kung sino ang masusunod at hindi kung papaano mapaluluwag ang hirap ng mga motorista.

Eh kung ganito kasakim mag-isip ang dalawang kampong ungas, bakit ba natin sila pinababayaan.

Dapat sa mga iyan ilagay sa tama nilang lugar, at iyon ay unahin ang pagsisilbi sa atin at hindi ang maglaban kung sino ang mas bida sa media.

ALISIN SA METRO ANG AIRPORT

Isang maiksi lamang.

Noong Sabado ay may 14 tao ang nasawi ng bumagsak ang isang maliit na eroplano sa isang subdivision sa tabi ng Ninoy Aquino International Airport.

Mas marami ang nasawi sa mga residente ng subdivision kesa sa sakay ng eroplano.

Matagal ng sinasabing hindi ligtas ang isang airport sa gitna ng isang malaking siyudad o metropolis tulad ng Metro Manila.

May napakalaking lugar sa Pampanga na maaaring lipatan ng international airport natin pero sangkatutak ang kontra dito.

Bakit kanyo?

Kasi ayaw gumastos ang stakeholders tulad ng pamahalaan, airlines, cargo companies at  concessionaires o yung tindahan sa loob ng airport sa paglipat sa Clark Airbase.

Hindi dahil ayaw ng taumbayan, kundi ayaw ng mga service providers.

Dito kasi sa Pilipinas, hindi customer ang nasusunod kundi ang mga negosyante, kaya ayan, may mga namatay na naman na inosente.

Sana maisip naman ng mga halal nating mga pinuno na kapakanan naman natin ang asikasuhin nila at hindi yung sarili nilang

sarap at pagyaman.

Lahat naman kayo riyan sa airport mayaman na eh, mano ba namang gumastos kayo ng konti para mas yumaman kayo lalo sa Clark Airbase.

Nakatulong pa kayo sa kaligtasan ng ating mamamayan. Hindi yung ugaling ungas na sarili lang ang laman ng utak.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply