Pauleen Luna lalong malalaos dahil kay Vic Sotto

MISMONG nanay ni Pauleen Luna, si Mommy Chat, ang kumukumpirmang item na nga sina Bossing Vic at Pauleen Luna. Hindi naman daw kasi sila nakikialam sa lovelife ng kanilang anak na nasa edad na.

“Hindi kami nakikialam sa lovelife ng anak namin kasi 23 na siya, she can already decide for herself kung anong tama o mali. Pero hindi rin kami nagkukulang ng pagpapaalala sa kanya habang kasama pa namin siya sa bahay.”

Pero may isang mahalalagang concern si Mommy Chat, at ito yung intrigang kaya raw nila gusto si Vic ay dahil sa mga mamahaling regalong ibinibigay kay Pauleen.

“Pangit naman ang dating, parang very materialistic ang anak ko, gold digger,” nalulungkot pa niyang salita. “Hindi kailangan ni Pauleen ng mga regalo, kaya naman naming bilhin ‘yun on our own. Marami siyang manliligaw na mayayaman, pero di niya pinapansin. Hindi siya nadadala sa regalo lang. Mas importante ang 100 percent love at ang magandang treatment sa kanya.”

Kontra naman ang manager ni Pauleen na si Lolit Solis sa relasyon nito kay Bossing, pero andiyan na raw ‘yun, wala na siyang magagawa.

But she’s aware that if Pauleen is really in love with Vic now, she cannot do anything about it.

Pero di kaya pansamantala lang ito dahil alam na naman natin ang track record ni Vic Sotto pagdating sa mga babae.

Hindi kaya puwedeng sabihing Pauleen is just his current flavor of the month. At this point, it’s obvious he no longer seriously intends to get married.

As for Pauleen, dapat din niyang isaalang-alang ang kanyang career. With Vic on the side, baka lalong di siya umunlad bilang artista? So far, bukod sa pagkokontrabida at hosting sa Eat Bulaga, wala pa naman siyang nararating.

Di kaya lalong maapektuhan ang career niya ngayong lulong na siya kay Vic Sotto.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply