Pay rules sa darating na holidays inilabas ng Dole

NAGPALABAS na ng pay rules ang Department of Labor and Employment (Dole) na dapat sundin ng mga employers sa pagbabayad sa kanilang mga empleyado bunsod ng pinakaaabangang tatlong regular holidays at isang special non-working day na kinabibilangan ng Christmas Day bukas, Rizal Day sa Disyembre 30, New Year’s Eve sa Disyembre 31, at ang New Year’s Day sa Enero 1.

Pinaalalahanan ni Labor Secretary Rosalinda Baldoz ang mga private sector employers na obserbahan ang naturang pay rules sa mga holidays at special day na ipagdiriwang sa buong bansa.

Alinsunod sa Proclamation 84 of 2010, deklaradong regular holidays ang Pasko at Rizal Day, habang non-working special day naman ang New Year’s eve na huling araw ng taon, ang Bagong Taon naman ay regular holiday din alinsunod sa Proclamation 295 of 2011.

Para sa tatlong regular holidays, itinatakda ng batas na kung ito’y tatapat sa regular workday ng isang empleyado at hindi siya nagtrabaho ay makakatanggap pa rin siya ng 100 porsiyento ng kaniyang sahod.

Dapat naman siyang tumanggap ng 200 porsiyento ng kaniyang regular salary kung magtatrabaho siya sa nasabing mga araw sa unang walong oras, at karagdagan pang 30 porsiyento ng kaniyang hourly rate sakaling kailanganin nitong mag-overtime.

Kung natapat naman ang regular holidays sa araw ng pahinga ng empleyado at hindi siya pumasok, tatanggap pa rin siya ng 100 porsiyento ng kaniyang suweldo ngunit kung papasok ito ay makakatanggap pa siya ng karagdagang 30 porsiyento ng 200 porsiyento ng kaniyang sahod.

Sakali namang mag-overtime ito, kakailanganin pa siyang bayaran ng karagdagan pang 30 porsiyento ng kaniyang hourly rate para sa nasabing araw.

Para naman sa Disyembre 31 ay ipapatupad ng pamahalaan ang “no work, no pay policy” maliban na lamang kung may paborableng company policy, practice o collective bargaining agreement (CBA) na nagbibigay ng bayad sa isang empleyado sa isang special day kahit pa hindi siya pumasok sa nasabing araw.

Alinsunod sa polisiya, kung magtatrabaho ang isang empleyado sa nasabing araw ay dapat siyang bayaran ng kaniyang employer ng karagdagang 30 porsiyento ng kaniyang daily rate na 100 percent sa unang walong oras at karagdagan pang 30 porsiyento ng kaniyang hourly rate sakaling lumampas ng walong oras ang kaniyang pasok.

Kung ang nasabing special day ay tumapat sa araw ng pahinga ng empleyado at siya ay nagtrabaho, babayaran siya ng karagdagang 50 porsiyento ng kaniyang daily rate sa unang walong oras at karagdagan pang 30 porsiyent ng hourly rate para sa overtime. Kyle Gatus

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply