PBA semis kasado na

KUMPLETO na ang cast ng Final Four subalit tatapusin muna nila ang Pasko at Bagong Taon bago muling bumalik sa paglalaro para sa semifinals ng 2011-12 PBA Philippine Cup.

Parehong winalis ng Rain or Shine Elasto Painters at Petron Blaze Boosters ang kanilang mga nakasagupa sa playoffs kagabi (Disyembre 21) upang harapin sa semis ang Powerade Tigers at Talk ‘N Text Tropang Texters, ayon sa pagkakasunod.

Tinapos ng Boosters ang Meralco Bolts, 80-64, habang pinauwi ng Elasto Painters ang Brgy. Ginebra Kings, 106-91 sa Game 2 ng kanilang best-of-three quarterfinals na ginanap sa Ynares Center sa Antipolo.

Magkakaliskisan ang RoS at Powerade sa Enero 4, 2012 at sa kinabukasan ay ang Petron at Talk ‘N Text naman ang magbabanggan ng katawan na gaganapin pareho sa Cuneta Astrodome.

Unang sumampa sa semis ang Tropang Texters ng pagbakasyunin nila ang Barako Bull Energy at sumunod ang Tigers ng silatin nila ang may insentibong twice-to-beat na B-Meg Derby Aces.

Best-of-seven series ang labanan para sa semis at finals. Elech Dawa

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply