PCG: Tone-toneladang relief goods ihahatid sa N. Mindanao

TONE-TONELADANG relief goods mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), ang ihahatid sa Northern Minadanao  para sa mga biktima ng hagupit ni Sendong sakay ng kinomisyon na barko ng Philippine Coast Guard (PCG).

Ayon kay PCG Commandant Admiral Liwag, nakatakdang umalis ngayong araw ang M/V Spirit of Mol, pag-aari ng Mitsui OSK Lines, na siyang may dala ng relief goods at iba pang pangangailangan ng mga napinsala ng bagyo partikular na sa Cagayan de Oro at Iligan City sa Lanao del Norte.

Sinabi ni Liwag na maaaring makipag-coordinate sa PCG, ang iba pang institusyon na gustong magpadala ng tulong sa Northern Mindanao, hanggang kaninang umaga para maisabay na ang kanilang mga donasyon.

Ang barko ay nakadaong sa Pier 15 ng South Harbor at inaasahan itong makakarating sa Northern Minadanao sa Enero 1, 2012.

Ang nasabing barko ay ang ikalawang barko na nagdala ng relief goods sa nabanggit na rehiyon. Ang una ay umalis noong Disyembre 24.

Samantala, sinabi ni Liwag na tuloy-tuloy ang retrieval operation ng PCG sa mga nawawalang residente sa lugar, kung saan kinumpirma nito na hanggang sa kasalukuyan ay may mga bangkay pang narerekober sa karagatan ang PCG.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply