PDEA nagbabala laban sa international drug syndicate

MATAPOS na mabitay ang isang Filipino sa China ngayong araw dahil sa kasong droga ay muling nagbabala ang pamunuan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa publiko laban sa mga international drug syndicate na nag-aalok ng malaking halaga ng salapi kapalit ng pagpupuslit ng iligal na droga sa iba’t ibang bansa.

Sinabi ni PDEA Undersecretary Director General Jose Gutierrez, Jr., na modus operandi ng mga sindikato na silawin ng malaking halaga ng pera ang kanilang tinatarget na “drug courier” para kumagat sa kanilang plano.

Ayon pa sa ahensya na pinag-aaralan din ng mga sindikato ang background ng kanilang mga target na gawing drug mule.

Samantala, sinabi ng PDEA na inirerespeto nila ang batas sa China kontra sa drug trafficking.

Ginawa na rin umano ng pamahalaan ang lahat ng paraan para mapababa ang sentensya sa binitay na Pinoy.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply