Pedro Calungsod hinirang na bagong santo

PORMAL nang inaprubahan ni Pope Benedict XVI ang canonization para sa pitong bagong santo ng Simbahang Katoliko.

Isa na dito ang Pinoy lay catechist at martyr na si Blessed Pedro Calungsod na mula sa Cebu.

Kabilang rin sa pitong bagong santo ay sina Blessed Giovanni Battista Piamarta (Italy), Blessed Jacques Berthieu (France), Blessed Maria del Carmen (Spain), Blessed Maria Anna Cope (Germany), Blessed Kateri Tekakwitha (USA) at Blessed Anna Schaffer (Germany).

Kagabi (Disyembre 19, petsa sa Pinas) ay nilagdaan na ng Santo Papa ang decree na kikilala sa mga milagro na nagawa ng pito para tuluyang hiranging santo.

Si Marianne Cope o mas kilala bilang Mother Marianne ay isang nurse na nag-alaga sa may mga ketong sa Molokai peninsula sa Hawaii habang si Tekakwitha naman ay ang pinakaunang native American na na-beatified noong 1980.

Maliban sa bagong mga santo, inaprubahan din ni Pope Benedict XVI ang kautusan para sa beatification ng 65 martyr na nasawi sa Spanish civil war.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply