Perang dinedal ng NHA sa mga relocatee, wala pa rin

KAMAKAILAN ay dumalo sa meeting ang sampung opisyal ng Gaya-gaya Bulacan Home Association sa Montalban, Rizal at tinalakay ang tungkol sa perang ibinulsa raw ng mga taga-National Housing Authority.

Ang pondo na pera na kaloob ng Ayala Group ay dapat na ibibigay sa mga iskwater ng Gaya-gaya, Bulacan na na-relocate sa Southville Barangay San Isidro, Montalban, Rizal pagkalipat na pagkalipat sa relocation site.

Ipinangako raw sa mga tao ng mga taga-NHA na hintayin na lang at ipadadala na lamang nila ito ng cheque.

Nagtatanong ang mga relocatee kung kailan, anong oras, araw at linggo maibibigay ito sa mga tao.

Ano ba ‘yan, NHA District Manager Chito Cruz? Hindi ba kayo nahihiya sa mga pinaggagawa ninyo sa mga tao?

Maawa naman kayo,ibigay ninyo ‘yung biyaya para sa kanila!!!

***

Forever bagman ng Customs police

BALIKAN natin itong si ‘lifetime bagman’ ng Bureau of Customs na si Lt. Romy Quizon alyas LTQ.

Kahit sinong maupong director ng Customs police ay hindi siya naaalis bilang bagman o wallet ng director ng nasabing kagawaran.

Ibang klaseng bagman si Lt. Quizon dahil binibili niya ang puwesto ng isang bagman sa Customs police.

Halos ilang dekada na ang nakalipas at maraming beses nang nagpapalit-palit ang mga director ng Customs police ngunit hindi nagigiba bilang bagman itong si Lt. Quizon.

Ang balita ko ay malaki raw ang ‘hatag’ na ibinibigay ni Lt. Quizon sa sinomang maging director ng Customs Police.

Kaya kahit sinong maupo na director ng Customs Police ay hindi siya magagawang ipagpalit sa ibang bagman dahil sa laki ng mga parating na ibinibigay nito sa hepe.

Tanungin ninyo pa siya!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply