PH Navy handa sa bantang giyera sa China

WALANG kanerbiyos-nerbiyos si Philippine Navy Flag Officer in Command Vice Admiral Alexander Pama sa kinakaharap na banta sa West Philippine Sea kaugnay sa panawagan ng China na maghanda sa giyera partikular sa karagatang sakop ng South China Sea.

Ayon kay Pama, kinikilala niya ang kautusan ng China subalit alam naman niyang hindi ang Pilipinas ang pinapatungkulan hinggil sa paghahanda sa posibleng digmaan sa nasabing rehiyon lalo pa ang laging nakaayon sa diplomatikong ugnayan ang kilos ng political leader ng bansa.

”I’m sure it’s the prerogative of president Hu Jintao to tell his navy or forces, although ako, I have not seen, I have not seen nor I have not read yung statement nya na yun and yung sa amin naman we are always ready for any eventuality.

“our stance will not only be as a result of pronouncements nung iba and we do have our own rules of engagement to follow

Tumanggi naman ang navy officer na ihayag kung may paghahanda silang ginagawa kaugnay sa nasabing kautusan ng China sa kanilang tropa.

“As I said, these are operational matters na nasa ano na ng operational commander yan, kami sa navy we are ready kung ano man yung kinakailangan nila.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply