PhilHealth magtataas ng premium sa Enero

IBINALITA ng isang dating mataas na opisyal ng Department of Labor and Employment (DOLE) na nakatadkang magtaas ng monthly premium ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) simula sa Enero 2.

Sinabi ni Susan “Toots” Ople, dating undersecretary ng DOLE na napagkasunduan sa isang consultative meeting ng sektor na ipinatawag ng PhilHealth na nakatakda nang itaas ang monthly premium ng kasapi ng ahensya alinsunod sa Circular NO. 022.

“On January 2, unless the Philhealth Board withdraws its circular, all overseas workers would be paying 300 pesos more for their Philhealth premium and for those unable to pay that amount within the first six months of 2012, they would have to pay 2,400 pesos as annual premium from July onwards, a huge amount compared to the current 900 pesos being shelled out by every OFW,” ayon sa statement ni Ople at ng iba pang non-government organization na tumutulong sa OFWs.

Agad din na tinutulan ni Sen. Manny Villar ang karagdagang premium sa mga OFW dahil dagdag na gastos ito sa kanila.

Binanggit pa ni Villar na hindi ito ang dapat isukli ng gobyerno sa malaking kontribusyon ng OFW sa ekonomiya kung saan bilyon-bilyong piso ang nire-remit nila sa bansa kada taon.

Sa nasabing consultative meeting, ipinaliwanag ng mga opisyal ng Philhealth na kailangan nilang taasan ang premium upang sa gayon ay makamit nila ang kanilang ‘performance target’ gayundin ang target ng gobyerno sa Millenium Development Goals.

Binanggit din na dahilan ni Vice-President Walter Bacareza ang GOCC Governance Act of 2011 kung saan sasailalim sa ‘performance evaluation’ ang lahat ng GOCC.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply