PHL ika-7 sa may pinakamataas na kaso ng AIDS sa mundo

PILIPINAS ang ika-pitong bansa kung saan may pinakamataas na kaso ng Acquired Immune Deficiency Syndrome o AIDS.

Bukod sa Pinas, kabilang din dito ang Armenia, Bangladesh, Georgia,
Kazakhstan, Krygyzstan at Tajikistan.

Sa ginanap na World AIDS Day kahapon (Biyernes, Disyembre 2) sinabi ni Epidemiologist Celia Flor Brillantes na ang pagtaas ng kaso ng Aids sa bansa ay dahil sa pagtaas ng insidente ng mga lalaking nakikipagatalik sa kanilang kapwa lalaki.

Ayon kay Brilantes na noong 2010 ay hindi bababa sa 34 milyon ang nabubuhay na may sakit na AIDS sa buong mundo.

Dahil dito, sinabi ni Brillantes na kailangan ipagpatuloy ang information dissemination sa publiko ng pamahalaan laban sa nakamamatay na sakit.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply