PhotoJournalist kinuyog ng mga pulis

NAGHARAP ng reklamo ang isang photojournalist sa himpilan ng pulisya makaraang kuyugin ng mga pulis na suma-side line bilang AUV/FX taxi driver sa Panay Avenue corner Edsa Quezon City nitong nakalipas na Linggo.

Nagreklamo si Art Son photojournalist ng pahayagang Abante/Abante Tonite sa himpilan ng Quezon City Police District City Hall Detachment kahapon matapos siyang  kuyugin at dibdiban umano ng mga pulis na mga taxi driver sa lugar.

Ayon sa reklamo ni Son, sakay siya ng kanyang FX na maroon nang mapadaan sa isang kalye sa may gilid ng Mc. Donald sa Panay Avenue kanto ng Edsa, QC nang sitahin ang mga nakapilang mga FX/AUV taxi dahil nakakalikha siya ng trapiko sa lugar dakong 8:00 ng umaga nitong nakalipas na December 21, 2011 (Miyerkules).

Sinabi pa ni Son nang bumaba umano siya ng kanyang sasakyan para sitahin ang mga nakapilang mga taxi ay agad umano siyang kinuyog ng mga driver ng AUV/FX na umano’y mga pulis na ang ilan ay may mga nakaumbok sa kanilang mga bewang na baril.

Agad umano siyang binigwasan sa dibdib ng naturang photojournalist ng isa sa mga driver na hinihinalang pulis at tinanong kung ano ang kanyang gusto.

Walang nagawa si Son kung hindi ang umalis na lamang sa takot na kuyugin at gulpihin ng mga naturang mga driver, dahilan para magharap ito ng reklamo sa pulisya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply