Pilipinas bagong record holder sa longest line of coins sa Guinness

NAAGAW na ng Pilipinas sa Estados Unidos ang rekord sa Guinness Book of World Record ng Estados Unidos na may pinakamahabang nakalinyang barya.

Umabot sa 3.5 million na piraso ng 25 sintemos ang natipon ng Bangko Sentral ng Pilipinas Officer Club and Employees Association kasama ang private sector sa proyektong “Barya ng mga Bayani: The Power of Small Change” sa Quirino Grandstand.

May haba itong 68 kilometro at may halagang P850,000 kung saan sapat na para basagin ang record ng Estados Unidos na umabot lamang sa 64.88 kilometro ang haba ng kanilang 1 cent coins na inilatag sa Fort Scott Kansas, USA noong 2008.

Dahil dito, ideneklara na ng organizers na tuluyan nang nalagpasan ang record ng US na may pinakamahabang nakalinyang barya bagamat ang pamunuan ng Guinness Book of World Records ang opisyal na kikilala rito.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply