Pinay midwife sa Indonesia, ‘2011 CNN Hero of The Year’

ITINANGHAL ng Cable News Network (CNN) na “Hero of the Year” para sa taong ito ang Fil-Am midwife na si Robin Lim mula Indonesia.

Tinutulungan ni Lim ang mga mahihirap na kababaihan sa Indonesia para magkaroon pa rin ng mabuting pangangatawan habang nagbubuntis hanggang sa makapanganak ang mga ito.

Ang CNN anchor mismo na si Anderson Cooper ang naggawad ng parangal kay Lim sa seremonyang ginanap sa The Shrine Auditorium sa Los Angeles.

Naging emosyunal naman sa kanyang acceptance speech si Lim kung saan sinabi nito na sana ay marami pa ang tumulong sa kanya upang mabago na ang pananaw at pag-aaral na maraming mga nagdadalang tao ang namamatay dahil hindi naaalagaan ang kalagayan.

Isang U.S soldier ang ama ni Lim habang Pinay naman ang kanyang ina.

Nagdesisyon siyang maging midwife matapos mamatay ang kanyang nakababatang kapatid dahil sa komplikasyon sa pagbubuntis nito ilang taon na ang nakalilipas.

Ipinagbili nito at ng kanyang mister ang bahay nila sa Hawaii at tsaka lumipat sa Bali, Indonesia upang makapagsimulang muli ng panibagong buhay.

Kilala bilang si “Ibu Robin” (Mother Robin), mayroon siyang mga free clinics sa Bali at rehiyon ng Aceh kasama ang iba pang mga Indonesian midwives simula noong 2003.

Dahil sa nasungkit na parangal, tatanggap ang non-profit Bumi Sehat Foundation ni Lim ng $250,000 maliban pa sa $50,000 na nakuha nito matapos unang mapabilang sa Top 10 CNN Heroes.

Kung maaalala, taong 2009 nang makilala ng buong mundo ang Pinoy na si Efren Peñaflorida nang tanghalin ito bilang Hero of the Year sa CNN dahil sa kanyang Kariton Classroom para naman sa mga mahihirap na kabataan na nais makapag-aral.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply