Pinoy drug mule, pamilya nagkita na

KINUMPIRMA ngayon ng Office of the Vice President (OVP) Jejomar Binay sa pamamagitan ng media affairs nito na si Joey Salgado na nagkita-kita na ang Pinoy drug mule at pamilya nito.

Sinabi ni Salgado na naging madamdamin ang pagkikita ng mag-anak dahil ngayon lang din nalaman ng Pinoy drug mule na siya ay bibitayin.

Kinakailangang bumiyahe ng mga pulis at ng mga awtoridad na bibitay sa Pinoy drug mule ng dalawang oras mula sa lugar kung saan nagkita ang mga mag-anak.

Ayaw pa ring pangalanan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang Pinoy drug mule na inaasahang isasailalim sa lethal injection bago sumapit ang alas-12:00. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply