Pinoy jins hihirit para sa 2011 London Olympics

NAGKAROON pa ng tsansa ang Pilipinas na makahirit ng puwesto sa taekwondo competitions sa darating na 2012 Olympics sa London.

Magbibigay ang World Taekwondo Federation ng puwesto na kung tawagin ay universality slot o wildcard entry.

Kay Fil-Am Samuel Morrison nakasalalay ang pag-asa ng bansa ayon na rin sa pahayag ni Hong Sun Chong, vice president ng Philippine Taekwondo Association (PTA).

“By virtue of winning the gold medal in last July’s Korean Taekwondo Open Championships, a silver medal at the August 26th University Games (Universiade) in Shenzhen, and a bronze at the Indonesia SEA games, he (Morrison) is our top choice for wildcard or universality entry for next year’s London Summer Games,” saad ni Chong na isang Koreano at permanenteng nakatira sa bansa.

Buhat nang maging regular medal sport ang Korean martial arts noong 2000 Sydney Olympics ay hindi nakakasali sa qualifier ang Philippine Taekwondo na ipadadala sa Olympics.

Nabigo ang PTA sa dalawang qualifying tournaments na sinalihan – ang World Taekwondo Championships noong May sa Korea at Asian Taekwondo Championships sa Bangkok noong nakaraang buwan. Elech Dawa

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply