Pinoy na bibitayin sa China, beteranong drug mule

ISANG beteranong drug mule ang Filipino na nakatakdang bitayin sa China dahil sa kasong drug trafficking, ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Sinabi ng PDEA na nakakatanggap ang 35-anyos na Pinoy drug mule ng aabot sa $4,000 hanggang $6,000 sa bawat maikasa nitong smuggling operation.

“Pagdating kasi sa China mataas ang bigayan because of the risk nga. Kapag nahuli ka dyan, walang patawaran yan,” pahayag ni PDEA Director General Jose Gutierrez, Jr.

Kinasuhan ng drug trafficking ang naturang Pinoy matapos mahulihan ng mahigit sa isang kilo ng heroin sa Guilin International Airport sa probinsya ng Guangxi noong 2008. Nakatakda siyang bitayin sa darating na Disyembre 8.

Idinagdag ni Gutierrez na nakikipag-koordinasyon na sila sa Philippine National Police (PNP) at sa National Bureau of Investigation (NBI) para maaresto ang recruiter nito na miyembro ng African drug syndicate na nag-ooperasyon sa Manila.

Karamihan aniya ng mga nire-recruit ng sindikato ay mula sa probinsya na nais kumita ng pera.

Sinabi pa ng ahensiya na natokahan sila para buwagin ang illegal drug trade sa bansa. Sinasabi rin na ang bilang ng mga Pinoy na nadakip sa drug trafficking ay bumaba simula noon pang 2009 na 116. Noong 2010, mayroon na lamang 62 at lalo pa itong bumaba ngayong taon na may 18 Pinoy drug courier na naaresto.

Patuloy namang magbibigay ng impormasyon ang ahensiya para mapigilan ang mga Pinoy na bumagsak sa patibong ng drug syndicates.

Samantala, pinayagan ng gobeyrno ng China na makabisita ang apat na miyembro ng pamilya para sa huling pagkakataon ay makausap pa nila ang bibitaying Pinoy.

Sinabi ni Vice President Jejomar Binay na ang dalawang anak at dalawang pinsan ng bibitaying Pinoy ang lillipad sa China sa Disyembre 6.

Gayunman, kukuha pa rin ng permiso si Binay mula sa Beijing para dalhin ang letter of appeal ni Pangulong Benigno Aquino III.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply