Pinoy nakatakdang ibitay sa Saudi Arabia

NAHAHARAP sa parusang bitay ang isang Pinoy kung hindi makapagbibigay ang kanyang pamilya ng 3 milyon Saudi Riyal o P35 milyon sa pera sa Pilipinas sa pamilya ng biktima.

Upang makaipon ng nasabing halaga, isang grupo ng mga negosyanteng Pinoy sa Estados Unidos ang tumutulong kay Letty Lanuza, ina ng nakakulong na Pinoy sa Saudi Arabia.

Nitong Disyembre 6, nasa $13,670 o P570,000 pa lamang ang nalilikom ni Gng. Lanuza upang mailigtas ang buhay ng kanyang 37-anyos na anak.

May 11-taon nang nakapiit sa Saudi ang anak ni Lanuza na si Rodelio alias Dondon matapos aksidenteng makapatay ng Arabo.

Nagtungo si Rodelio sa Saudi noong 1996 bilang draftsman, subalit napiit noong 2000 matapos ang krimen.  Taong 2002 nang hatulan ng Damman Grand Court ng parusang kamatayan si Rodelio na isasakatuparan sa pamamagitan ng pagpugot sa kanyang ulo.

Noong Pebrero 2011 nagpasya ang pamilya ng biktima na patawarin si Rodelio, sa halip ay magbigay na lamang ng blood money na nagkakahalaga ng 3 milyon Saudi Riyals katumbas ng kanyang buhay at kalayaan.

Ang halagang ito ay maaari lamang maibigay sa loob lamang ng isang taon.

Kung mabibigo si Gng. Lanuza, tuluyang bibitayin ang kanyang anak matapos ang itinakdang araw sa Pebrero.

Nanawagan si Gng. Lanuza sa pamamagitan ng website www.helpdondon.com.  “Please believe me when I say that the death of a Saudi caused by my son was accidental,” nakasaad sa kanyang liham.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply