Piolo Pascual di mapatumba ng malalaswang isyu

NAGING mainit ang KC-Piolo break up pero bilasa na ito ngayon dahil natabunan na ng iskandalo nina Mo Twister at Rhian Ramos.

Kahit na nga sumawsaw na si Mark Bautista saying na di na dapat pinapansin yung isyung siya raw ang dahilan ng break up, lumamig na ito at ngayon nakatuon sila sa Mo-Rhian scandal.

Hindi na gaanong pinag-uusapan ang break up issue nina Piolo Pascual at KC Concepcion dahil sa biglang pagsulpot ng abortion issue ni Rhian Ramos at ang mga kontrobersyal na pahayag ni Mo Twister tungkol dito.

“Patalbugan talaga sila ng isyu, huh! Hindi pa nag-iinit ang Piolo-KC issue, pero humabol na agad sina Mo at Rhian. ’Yan tuloy, parang natabunan na ’yung kina KC at Piolo. Hahaha!” comment ng isang showbiz insider.

Marami ang nag-abang sa magiging pahayag ni Mo sa Paparazzi last Sunday, pero na-disappoint sila. Hindi nito sinipot ang naturang talk show at ayon sa mga hosts nito, iginagalang nila ang privacy ni Mo.

“Kunsabagay, karapatan ’yon ni Mo. Proteksyon nila ’yon kay Mo, eh. Ang nakakalungkot lang, binabanatan nila si Piolo, pero dedma sila sa isyu ni Mo. Unfair, ’di ba? Well, ganyan talaga sa showbiz, huh!” obserbasyon pa niya sa nangyayari.

“’Yung ibang host ng showbiz-oriented talk show, sana nirerespeto rin nila si Piolo at ang pananahimik nito tulad ng pagrespeto nila sa ipinangangalandakan nilang “privacy” ni Mo. Hahaha!” komento pa ng isang showbiz insider na obviously ay maka-Piolo.

Samantala, marami ang nakabasa ng isang article ni Piolo sa broadsheet at sinang-ayunan nila ito. Kumalat din ito sa networking sites at puro like ang nasabing write up. Isang indikasyon ito na buo pa rin ang respeto nila kay Piolo.

Kunsabagay, hindi naman ito ang una’t huli niyang pagkakataong naging hot item sa showbiz pero despite of it, okey pa rin ang aktor at lalo pang nagiging maganda ang takbo ng kanyang karir.

“Piolo is Piolo kahit pa anong mangyari. Hindi talaga nawawala ang kanyang karisma sa tao at fans,” huling komento pa niya.

***

Red Cross citizens na rin ang mag-inang Mother Lily at Roselle Monteverde

MALAKI ang pasasalamat ng Red Cross, sa pamumuno ni dating Senador Richard Gordon, sa mag-inang Lily at Roselle Monteverde na hindi nagdamot ng oras at resources para sa ikatatagumpay ng isinagawang Red Cross Million Volunteer Run sa kahabaan ng Roxas Boulevard nu’ng Linggo ng umaga.

Bukod sa paggising ng maaga, pagdalo at pagsuporta sa okasyon, naging daan din ang mother and daughter team ng Regal Entertainment para makuha ng Red Cross ang serbisyo ni Marian Rivera bilang celebrity spokesperson.

Malaking bagay ang partisipasyon ni Marian sa nasabing fun run dahil dumagsa talaga ang libu-libong tao na tinayang nasa 400,000.

Hindi magkamayaw ang mga volunteer participant, lalo pa nga’t buong tapang na sinuong ng aktres ang sarili sa gitna ng napakaraming tao bitbit pa ang boyfriend na si Dingdong Dantes.

Sa totoo lang, halos mapipi ang dalawa sa nagsisiksikan at nag-uunahang fans na nagnanakaw ng litrato sa kanilang mga cellphone habang patungo ang mga idol nila sa makeshift stage sa kanto ng Quirino Ave. at Roxas Boulevard.

Hirap man, bakas pa rin sa mga mukha nina Marian at Dingdong ang labis na kasiyahan dahil talagang napaka-successful ng event.

Pagdating sa stage, halos hindi marinig ang pagbati ng dalawa dahil mas malakas pa ang hiyawan ng audience. Medyo na-late mag-start ang pagtakbo dahil ayaw magsialis ng mga tao hangga’t nandu’n ang kanilang mga idolo.

Kaya, pinakiusapan sila ni Marian na tumakbo na para sila rin ni Dingdong, makatakbo.

Bukod kina Marian at Dingdong, Mother Lily at Roselle, nagbigay din ng suporta ang iba pang celebrities gaya nina VP Jojo Binay, former Sen. Migs Zubiri, Tim Yap, Sheena Halili, Mia Pangyarihan, Mon Confiado, Fabio Ide, Claudine Trillo, atbp.

Nakakatuwa lang dahil maging ang mga tulad nina VP Binay at Mother Lily, hindi nakaligtas sa pagpapa-picture ng volunteer runners. Halos isang oras yata tumagal sina VP Binay at Mother Lily sa stage bago nakababa sa dami ng nag-aabang.

Kung pahirapan ang pagpunta nina Marian at Dingdong sa stage, doble pahirapan ang pag-alis at pagsakay nila ng sasakyan. Naputol kasi ang cordon ng marshalls nu’ng paalis sila, kaya nagkagulo ang fans.

Mula sa stage, kitang-kita namin kung paano umalon ang mga taong nagbabalyahan para makalapit sa magkasintahan.

Buti na lang, naagapan ng marshalls, dahil kung hindi, baka nagka-stampede pa!

Pagdating sa finish line na malapit sa Imax Theater ng SM Mall of Asia, bumungad ang tinaguriang tent city ng Red Cross, kung saan apat doon ay courtesy pa rin ng mag-inang Lily at Roselle.

Airconditioned ang mga ipinagamit na tents ng Regal na napag-alaman namin ay sinagot din ang krudo ng mga generator nito.

Kaya kina Mother Lily, Roselle at Chairman Gordon, congratulations!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply