Piston sasali sa ikakasang protesta sa Mendiola mamaya

SASALI ang Pinagkaisang Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (Piston) sa ikakasang camp-out protest sa Mendiola ngayong araw.

Sinabi ni Piston general-secretary George San Mateo na sawang-sawa na sila sa walang patumanggang pagtaas ng presyo ng petroleum products sa bansa.

Ani San Mateo, nasa mahigit 200 miyembro nila ang inaasahang sasali sa kilos-protesta kasabay na rin ng paggunita sa International Human Rights Day.

Kinokondena rin ng Piston ang marahas na dispersal sa camp-out protest ng mga militanteng kabataan nitong Disyembre 6.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply