Plastikada talaga!: Cristy Fermin todo tanggol noon kay Piolo, ngayo’y ipinasisigawang bakla ang actor

NOONG nasa Kapamilya network pa si Golden Orocan Queen na si Manang Cristy Fermin, todo tanggol siya sa kanyang anak-anakan kuno na si Piolo Pascual. May dialogue pa nga ang pinaka-plastikadang nilalang sa showbiz na makikipagpatayan kuno siya para sa actor lalo na kapag kinanti mo ito. Kapag kaharap mo naman ito at ang topic ay ang pinagdududahang gender ni Papa P., makikipag-debate talaga siya at sasabihin niya sa mga kaharap na lalaking-lalaki ang actor at kung dumating man daw sa puntong nakipagtikiman noon si Piolo sa kapuwa niya mhin, definitely ay ang actor ang lalaki at bading ‘yung humada sa actor. O di ba naman? Very motherly talaga si Chakitang Ferminata sa kanyang minamahal (etching!) na morenong aktor.

Pero ngayon ano na ang ginagawa nito kay Piolo? Hayun ang talingharap at oslang K-less TV host na idinadaan pa kuno sa texters ang mga pahaging nito sa ex ni KC Concepcion pero siya rin ‘yun at gusto talaga nitong ipagsigawan sa buong mundo na “Bakla” si Papa P. Of course mas nakikisimpatiya kami sa Mega daughter na si KC Concepcion lalo na sa mga pinagdadanaan nitong pain at hatred sa hindi magandang nangyari sa relasyon nila ng guwapong actor. Pero konting kuwento lang noong time na sila pa at during the shooting of their Century Tuna TVC in Tagaytay, say pa ng aming informant, very sweet ang dalawa at lagi silang magka-holding hands at nagyayakapan at laging nakaalalay raw si Papa P sa kanyang si Kassandra ‘pag bumababa ito ng hagdan. So let’s give Papa Piolo the benefit of the doubt. At least ang maipagmamalaki namin ni BFFT Pete A. ay never kaming nakipagbolahan sa nabanggit na actor. Tamaers gyud!

***

The Buzz wagi ng dalawang award, wagi pa sa rating

ANG dalawang award giving bodies na mismo na PMPC Star Awards for Television ‘at katatapos lang na Goden Screen Awards ang humusga na para sa kanila ang “The Buzz” ng Dos ang deserving na parangalan nila. At ‘yun na nga tinanghal na Best Showbiz-Oriented Program ng 25th PMPC Star Awards ang The Buzz.

At this time, hindi lang ang nasabing show ang nanalo bilang Outstanding Showbiz Talk Program sa Golden Screen Awards for TV kundi wagi rin ang King of Talk na si Kuya Boy Abunda na main host ng The Buzz bilang Outstanding Showbiz Talk Program. Of course agree kami na kung karapatan lang din naman ang pag-uusapan ay si Kuya Boy na ang pinakamahusay sa kanyang field. Kahit kasi gaano pa kaselan ang subject ng kanyang interview ay kayang-kaya nitong dalhin nang walang nasasagasaan o natatapakang tao. Yes, sa sobrang pagka-intelihente ni Kuya Boy ay puwedeng-puwede na siyang i-level sa mga famous Talk show hosts sa Hollywood. At ang The Buzz kung saan kasama niya sina KC Concepcion, Toni Gonzaga at Charlene Gonzales every Sunday, parati itong nangunguna o panalo sa rating games. At bukas, manood kayo at magsasalita na si Piolo Pascual at ibibigay na ng actor ang kanyang side sa nangyaring hiwalayan sa kanila ni KC. At may ilang interview rin sa mga taong nagmamahal sa kaka-split lang na actor at Mega daughter. Mapanonood ang The Buzz pagkatapos ng “Growing Up.”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply