Plunder case pa laban kay GMA sa Ombudsman

BINALEWALA ng kampo ni dating pangulo, ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo ang bagong kasong plunder na isinampa sa kanya kaugnay ng maanomalyang paggastos sa pondo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Matatandang kasama rin sa kaso ang appointees ni CGMA sa PCSO board at dalawang opisyal ng Commission on Audit.

Batay sa reklamo, kwestyunable ang paggamit ng mga dating PCSO officials ng P391.9 million na confidential fund ng ahensiya dahil hindi nila maipaliwanag kung saan ito napunta.

Sa unang imbestigasyon ng Senado, natiyak na walong beses na sumulat si former PCSO General Manager Rosario Uriarte kay Mrs. Arroyo para gamitin ang intelligence fund ng ahensiya ngunit hindi umano nakalagay kung para saan ang nasabing pera.

Hinihinala ng ilang senador na ginamit ang nasabing kwestynableng pondo sa huling presidential bid ni Arroyo.

Unang kinasuhan ng plunder case sa Office of the Ombudsman ang dating pangulo kaugnay na rin ng PCSO fund controversy, kung saan nagtangka itong lumabas ng bansa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply