PNoy ayaw kagatin ang alok na pautang ng ADB, WB

AYAW patulan ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III ang alok ng Asian Development Bank (ADB) na pautangin ang Pilipinas ng tatlong milyong dolyar para sa rehabilitation ng mga sinalanta ng bagyong Sendong.

Ayaw rin munang pansinin ng Chief Executive ang alok na pagpapautang din ng World Bank sa gobyernong Pilipinas sa mas mababang interes para pa rin sa mga nabiktima ng naturang kalamidad.

Nauna rito, naitala naman ng Department of Foreign Affairs ang pagbuhos ng tulong mula sa international community sa ginagawang disaster response sa mga lalawigan ng Cagayan de Oro at Iligan.

Sa kabilang dako, nakiramay naman si Singaporean Acting President JY Pillay at Acting Prime Minister Teo Chee Hean sa Pilipinas.

Tiniyak nitong magpapadala sila ng 50,000 Singaporean dollars para sa Red Cross at ang Singapore NGO Mercy ay magpapadala ng 1,000 relief packs na nagkakahalaga ng 27,800 Singaporean dollars sa National Distaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Ang bansang Indonesia ay magpapadala ng search and rescue at medical teams para tumulong sa mga ginagawang relief and rescue operations sa mga lugar na sinalanta ng bagyo. Nagbigay din ang Indonesia ng $10,000 na donasyon at dalawang karton ng relief goods sa Department of Foreign Affairs kung saan ito ay ibibigay ng DFA ngayon sa NDRRMC at Deparment of Social Welfare and Development (DSWD).

Ang hari at reyna ng Thailand ay nagpahatid na rin ng simpatiya sa Pilipinas.

Ang China ay nagbigay na ng $10,000, bahagi ito sa ipinangako nitong $1M na donasyon, habang ang Japan ay nagpadala na ng simpatiya at magbibigay ng emergency relief goods na nagkakahalaga ng P14 milyon.

Ang Republic of Korea ay magbibigay ng $500,000 na halaga ng relief items. Ang Australia ay magbibigay ng tulong na nagkakahalag ng isang milyong Australian dollars.

Samantala, pinasalamtan naman ni Pangulong Aquino ang iba’t ibang sektor na patuloy na tumutulong sa mga survivor sa flashflood dulot ng bagyong “Sendong.”

Malinaw aniyang nagpakita ng matinding bayanihan ang mga Pilipino, dito man o sa ibang bansa.  Nagpasalamat din ang Pangulo sa international community na patuloy na nagpapadala ng tulong sa Pilipinas.

Sa huling ulat ng NDRRMC, umaabot na sa halos isang bilyong piso ang pinsala ng bagyong Sendong sa mga ari-arian sa rehiyong Mindanao. Kris Jose

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply