PNoy binabato dahil puno siyang hitik sa bunga

MAIHAHAMBING si Pangulong Noynoy Aquino sa isang puno na hitik sa bunga na laging binabato.

Dahil sa mga magaganda niyang nagagawa ay pilit siyang sinisilipan ng mga butas o pagkakamali ng kanyang mga desperadong kritiko. Isa na rito ang pagdalo ni PNoy sa Christmas Party ng Presidential Security Group.

Mantakin ba namang akusahan nila si PNoy ana nagpapasarap sa oras na tinamaan ng delubyo ang ilang bahagi ng Mindanao, partikular sa Cagayan de Oro at Iligan City.

Pero baka nakalimutan ng mga kritiko ni PNoy na pagtitipon ito sa mismong bakuran ng Palasyo at pagtitipon ng mga kawal ng Pangulo at ng kanilang mga pamilya na 24 oras sa loob ng 365 days na nasa tabi ng Pangulo at malalayo sa kanilang mga pamilya!

Ang tanong: isa bang napakamalaking pagkakamali ang ginawa ng Pangulo na bigyan ng kahit kaunting oras ang mga tauhan nito na nagbibigay proteksyon sa kanyang seguridad?

Kung ako ang tatanungin ay wala akong nakikitang mali sa pagpapaunlak ng Pangulo sa kanyang mga PSG na nakasama niya sa pagtitipon ng mga ito.

Pinalalaki lang ng mga kritiko ni PNoy ang isyu para nga naman masira nila ang Pangulo pero kabaligtaran ang nangyayari. Sa halip,  umaani pa rin siya ng mataas na rating sa lahat ng mga survey.

Kaya naman patuloy  ang ginagawa ng Pangulo sa kampanya na tuldukan ang korapsyon at ipursige ang pagsulong ng bansa at pag-kakaloob ng pangunahing pangangailangan ng ating publiko.

PAIHI SA STA. MESA PADER SA MPD

Hindi mapatigil ang ‘paihi’ ng diesel at gasolina ni Mr. Sy sa Old Sta Mesa sa Manila.

Malaki ang ‘tong-pats’ ni Mr. Sy sa kapulisan ng MPD. Kaya hindi nagagalaw o nabubuwag ang sindikato ni Mr. Sy.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply