PNoy bumuo na ng senatorial ticket

BUMUO na ng ticket ang administrasyong Aquino kahit na sa Mayo 2013 pa nakatakda ang senatorial elections.

Ayon kay Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III, nais niya na muling tumakbo ang tatlong kaalyadong hindi nakalusot noong 2010.

“I’ll be disappointed siguro, for instance, if Risa Hontiveros-Barraquel would not participate in it. Si Ruffy Biazon is another one. There are others that I’m convincing Probably Danny Lim also will be part of it,” wika ng Pangulo

Gusto rin ni Pangulong Aquino na makasama si Sen. Antonio Trillanes IV, habang mula sa Gabinete ay plano naman niyang kunin si Budget Secretary Butch Abad.

Kinumprima rin ng Pangulo na kukuha siya ng mga kandidato mula sa mga kaalyadong grupo, pero malabo aniya na makasama si Vice President Jejomar Binay na una nang nagpahayag ng kagustuhang magbuo ng sariling ticket.

Matatandaang si Binay ang tumalo sa running mate noon ni Pangulong Aquino na si Transportation and Communications Secretary Mar Roxas.

Sa dami ng kaalyado, malamang daw aniya na mag-referee pa ang Pangulo sa pagpili ng kandidato para sa 2013 elections.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply