PNoy, CJ pinagkakaisa vs Gloria

HINIKAYAT ni Sen. Alan Peter Cayetano ang Ehekutibo at Hudikatura na magkaisa sa isyu kaugnay sa dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Ayon kay Cayetnao, dapat gamitin ng dalawang sangay ang kasong kinahaharap ni Arroyo upang matupad ang pangarap ng sambayanan na maitaguyod ang rule of law habang isinusulong ang anti-corruption agenda.

Isinagawa ng senador ang kahilingan sa dalawang sangay sa harap ng pambabatikos ni Pangulong Benigno Aquino III sa Supreme Court at kay Chief Justice Renato Corona hinggil sa may kinikilingang desisyon.

Iginiit ng mambabatas na mahalagang magkaroon ng respeto at pagtitiwala sa isa’t isa ang dalawang sangay upang epektibong kumilos ang proseso ng demokrasya.

“The Supreme Court might not budge just because the President said so but I’m sure the effect was like a big rally. If you hold a big rally in front of the Supreme Court, maybe they won’t change their minds but definitely they’ll start looking and listening,” aniya.

Ipinaliwanag ni Cayetano na mauunawaan ang pagkilos ni Pangulong Aquino dahil nakasalalay ang kanyang kampanya sa anti-corruption sa pananaw na papanagutin ang mga taong responsible sa mga krimen ng nakaraang administrasyon.

“If his definition and the people’s definition of a successful Aquino administration is really cleaning up the government and going after the big fish, if he kept quiet, will he be able to accomplish it?” tanong ni Cayetano.

“I’m not saying that what he did was totally correct. I’m saying that I understand where he’s coming from,” dagdag ng senador.

Aniya, malaki ang naitulong ng banggaan ng dalawang sangay kabilang ang pagtrato ng estado kay Arroyo upang mabigyan ng sapat na kaalamanan ang publiko hinggil sa isyu.

“Pinag-uusapan ng taumbayan ang isyu sa media. Lumalahok na ang taumbayan at nagbibigay na sila ng kanilang opinyon,” ayon sa senador.

Hinikayat din niya ang gobyerno na patuloy na magbuo ng malakas na kaso laban kay Mrs. Arroyo habang binibigyan siya ng respeto bilang dating Chief Executive.

“I think what the public and the Supreme Court should focus on is giving Mrs. Arroyo a fair trial. So decisions have to be based on the evidence and not emotions,” aniya. Ernie Reyes

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply