PNoy, Corona huwag pag-awayin – Obispo

IGINIIT ng isang mataas na lider ng Simbahang Katoliko na hindi dapat pag-awayin sina Pangulong Benigno Simeon Aquino III at Supreme Court Chief Justice Renato Corona, na may namamagitang sigalot sa ngayon.

Ayon kay Sorsogon Bishop Arturo Bastes, sa halip na pag-awayin ay pagkasunduin na lamang ang dalawa sa pinakamataas na opisyal ng pamahalaan.

Sinabi ng Obispo na dapat ay lawakan ng lahat ang pang-unawa na sa halip na makasira ay makatulong para mapagkasundo ang dalawang lider ng bansa.

Iginiit pa nito na kung magkakasundo sina PNoy at Corona ay isang magandang pamasko ito para sa lahat.

Ani pa ni Bastes, ilang linggo na lamang at ipagdiriwang na ang Pasko na kaarawan ng Panginoong Hesukristo kaya nanawagan ang obispo na itigil na ang pamumulitika.

Una nang nagpahayag ang magkabilang panig na bukas sila sa pakikipagkasundo sa isa’t isa.

Handa rin naman umano ang Simbahang Katolika na maging mediator o tagapamagitan para magkasundo sila.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply