PNoy hindi asal presidente sa judicial summit

HINDI asal presidente ang ginawa ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III sa naganap na judicial summit sa Manila Hotel noong Lunes (Disyembre 5).

Ito ang paniniwala ni Solidarity Philippines Convenor Fr. Joe Dizon matapos na pahiyain at harap-harapang batikusin ng Pangulo si Supreme Court Chief Justice Renato Corona sa publiko sa nabanggit na judicial summit.

Kumbinsido si Fr. Dizon na hindi tama ang ginawa ng Pangulong Aquino kay Corona.

“Ang problema ni PNoy is that he lacks the ability of confronting the situation. Hindi siya naging Presidential sa ginawa niyang pagkastigo kay Corona at sa mga Supreme Court justices. I think, there must be a moral presidential way of confronting the situation.” paglilinaw ni Fr. Dizon sa panayam ng Radio Veritas.

Inihayag naman CBCP-Episcopal Commission on Youth na hindi mabuting halimbawa sa mga kabataan ang harap-harapang pagbatikos ni Pangulong Aquino sa chief justice.

Ayon kay CBCP-Episcopal Commission on Youth executive secretary Fr. Kunegundo Garganta na hindi dapat ginagawa ng Pangulo ang lantarang pambabastos dahil tinitingala siya ng mga kabataan.

Aniya, maraming paraan para maiparating ng Pangulo ang kanyang saloobin kay Corona nang hindi ito ipinapahiya sa publiko.

“The President should lead by example, he is a model for the youth.” pahayag ni Fr. Garganta sa Radio Veritas.  (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply