PNoy kay Corona: ‘Puno na ako sa iyo, dapat ka nang maalis!’

LUMABAS mismo sa bibig ni Pangulong Noynoy Aquino ang mga dahilan bakit dapat nang mapatalsik si Supreme Court (SC) Chief Justice Renato Corona.

Sinabi ito ng Pangulo sa ipinatawag na caucus sa Mandaluyong City na dinaluhan ng 118 kongresista na pumirma sa Articles of Impeachment laban sa punong mahistrado.

Sinabi ng Pangulo na noong una ay pinagpasensyahan niya si Corona at pinakiusapan pa ang mga kaalyado sa Kongreso na maging mahinahon.

Pero dumating na aniya sa puntong hindi na niya matiis at punung-puno na siya kay Corona.

Partikular na ikinagagalit ng Pangulo ang pagharang ng SC sa impeachment complaint laban kay dating Ombudsman Merceditas Gutierrez at pinakahuli ang TRO sa watch list order laban kay dating Pangulong Gloria Arroyo.

Nilinaw naman ng Pangulo na hindi siya palaaway pero dumating na sa puntong sobra na ang ebidensyang hindi taumbayan ang pinaglilingkuran ni Corona.

Kumbinsido rin siyang nakatali si Corona kay Gng. Arroyo na matagal na niyang pinaglilingkuran bago pa man maitalaga sa Korte Suprema.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply