PNoy kay Dellosa: ‘Ituloy ang naumpisahan ni Oban’

PINAALALAHANAN ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III si bagong Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Lt. Gen. Jessie Dellosa na ipagpatuloy ang nasimulan ni outgoing chief Gen. Eduardo Oban.

Aniya, kapakanan ng mga mamamayan ang dapat na iprayoridad ni Dellosa sa kanyang pag-upo.

Sa kabilang dako, kumpiyansa naman ang Pangulo na ikakasa ni Dellosa ang disiplina, integridad at katapatan at makakaasang kasangga nito ang administrasyon sa pagpapatupad ng mga reporma.

Kasabay nito, tiniyak naman ng Pangulo ang pagpapatuloy ng suporta nito sa AFP partikular sa pagbibigay ng kinakailangang training at edukasyon, mga benepisyo at kagamitan para maayos na maidepensa ang bayan.

Pinuri naman ni Pangulong Aquino si Oban dahil sa loob ng siyam na buwan ay nakapagpatupad umano ng malaking pagbabago sa AFP.

“Hindi ko po ganoon kakilala si General Oban ‘nung aking itinalaga pero talaga namang humanga ako sa mga nagawa niya at sa ngayon, sa katapusan po ng kanyang panunungkulan, masasabi ko pong hindi tayo nagkamali,” anito.

Nagsimula umano sa pagkasadlak sa konrtobersya ng katiwalian, ay ibinangon ni Oban ang imahe ng AFP at naibalik ang tiwala ng taongbayan.

Tinukoy ng Pangulo ang mga sinimulan ni Oban gaya ng “No Conversion Policy,” transformation roadmap at pagsasaayos ng procurement process.

Idiniin ng Punong Ehekutibo na hindi siya nagkamali sa pagpili kay Oban at aniya ay isa ito sa dahilan kaya nananatiling mataas ang kanyang trust at approval rating sa mga survey.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply