PNoy mabuting kaibigan masamang kaaway (2)

TOTOO.

Mabuting kaibigan si Pangulong Benigno Simeon Aquino III dahil hindi ito nang-iiwan ng kaibigan.

Kapag kanyang pinangakuan ng puwesto o inilagay sa puwesto ay kanya itong ipaglalaban kahit pa batid niyang may mga pagkakamali ang mga ito.

Halimbawa na rito ay sina Bureau of Corrections director Retired General Gaudencio Pangilinan at Land Transportation Office chief Virginia Torres na pawang iniluklok sa puwesto ni Aquino bagaman kwestiyunable ang kanilang karakter at kapasidad.

Si Pangilinan, bagaman dating masugid na tagasunod ni Arroyo noong nakaupo pa ito, ay tumawid sa bakod ni Aquino at nagsabing nakahanda siya at ilang mga tauhan na lumaban kay Arroyo sakaling ituloy nito ang “Oplan August Moon” na pawang kathang-isip lang upang maalis sa puwesto ang lahat ng “Philippine Military Academy Class ‘78” na pawang malapit kay Gloria.

Nahaharap si Pangilinan sa kasong plunder kaya naman nang italaga ito ni PNoy bilang BuCor director ay nagulat si retired Colonel George Rabusa na isa sa mga nagbunyag ng katiwalian sa Armed Forces of the Philippines.

Si Pangilinan, ayon sa mga nakapiit sa National Bilibid Prisons, ay nagtalaga ng kanyang “bagman” sa katauhan ni ex-AFP Col. Rolando Maclang na siyang tumatawag sa mga Chinese inmates na nasa ibang kolonya upang makabalik sa NBP sa Muntinlupa kapalit ng milyong pisong halaga.

May sariling tanggapan si Maclang sa NBP dahil hindi ito basta kakilala ni Pangilinan kung hindi kaklase ito sa PMA.

Samantalang si Torres naman ay ilang beses na ring bina-natan ng media dahil sa palpak na pamamalakad nito sa LTO.

Tulad na lang halimbawa nang pagbubukas ng mga fly by night na emission testing center at pagrerehistro ng mga sasak-yang may kinahaharap na ano-malya na siyempre ay may kaukulang kapalit.

Sinabi ng mga head ng mga office sa LTO, hindi si Torres ang opisyal na dapat naitalaga bilang director ng LTO na national dahil wala itong kakayahan na pamunuan ang ahensiya sapagkat hanggang division lang ang kakayahan nito.

Pero hindi na sila nagtaka dahil nanindigan si PNoy para sa kanyang shooting buddy at inignora ang mga kapritso nito. (ITUTULOY)

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply