PNoy matagal nang duda sa Supreme Court

MATAGAL nang pinagdudahan ni Pangulong Benigno Aquino III ang mga desisyon ng Korte Suprema lalo na ang mga pabor na desisyon kay dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Ito ang inamin ni Pangulong Aquino na nagsabing bago pa man siya naging pangulo ng bansa ay puzzled na siya at labis na naalarma sa pag-uugali ng mga taga-Korte Suprema.

Bilang Pangulo ng bansa, tungkulin niya aniya na idepensa ang Saligang Batas; i-implementa ang batas; bigyang katarungan ang isang tao at pangunahan ang pagbibigay serbisyo sa taumbayan.

Tila ipinamukha rin ng Chief Executive na kung gaano ang kanyang hangaring makapagbigay ng maayos na serbisyo sa taumbayan ay waring sumasalungat naman ang Mataas na Hukuman.

“These are not abstract rules or theories: the lives and well-being of our fellow citizens are at stake. When the status is in limbo, how do we respond to the people of Dinagat as they clamor for the continued existence of their hospitals, their doctors, and their medicines?,” anito.

Sinabi pa rin niya na labis siyang nagtaka kung bakit ang 10 days na pagresolba sa  isang TRO ng SC ay ginawa na lamang 3 days para kay Mrs. Arroyo.

Gayunpaman, nilinaw ng Pangulong Aquino na wala siyang balak na diktahan ang korte na posibleng maging ugat ng constitutional crisis.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply