PNoy nagregalo sa mga sugatang sundalo

NAGHANDOG si Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III ng regalo bilang sa ipinakitang kabayanihan sa mga sugatang sundalo.

Namigay ang Pangulo ng mga gift pack sa mga sundalong naka-confine sa Philippine Army General Hospital sa Fort Bonifacio, Taguig City kahapon (Disyembre 12).

Ito umano ay bahagi ng proyekto ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcro) para magbigay ng Pamaskong handog sa mga sundalong nasugatan sa pagtatanggol sa bayan.

Ayon sa Pagcor, ito rin ay simpleng tulong para sa pambili nila ng medical equipment para sa mga military hospital, kabilang na ang dalawang hospital sa parte ng Mindanao.

Samantala, layon ng Pagcor na matulungan pa ang 7,000 beneficiaries sa 36 institutions sa bansa. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply