PNoy nanawagan ng suporta sa mga sundalo

NANAWAGAN na si Pangulong Noynoy Aquino ng suporta sa mga sundalo para sa kanyang isinusulong na reporma.

Pinakahuli rito ang pagtutulak ng Pangulo sa impeachment complaint laban kay Supreme Court (SC) Chief Justice Renato Corona at pagtawag sa Korte Suprema bilang pugad ng katiwalian.

Kaninang umaga ay pinangunahan ni PNoy ang pagbibinyag sa mga barko ng Philippine Navy na kinabibilangan ng BRP Gregorio del Pilar, BRP Tagbanua at pagbabalik sa pangalang BRP Ang Pangulo sa Presidential yatch na dating BRP Pagasa.

Sinabi ng Pangulo sa harapan ng mga sundalo na ang mga bagong kagamitang pangmilitar ay bunga ng mga ginagawang pagbabago.

Ayon sa Pangulo, mahaba-haba pa ang lalakbayin kaya dapat umanong kumapit at huwag bibitiw sa mga nasimulang reporma.

Ang BRP Gregorio del Pilar ay isang segunda manong Hamilton class cutter ng US Coast Guard habang ang BRP Tagbanua ay pinakamalaking barkong pandigma na gawa sa Pilipinas.

Sa nasabing seremonya, nagsilbing ninang ng mga barko ang mga Presidential sister na kinabibilangan nina Ballsy Cruz, Pinky Abellada at Viel Aquino-Dee.

Ide-deploy ang BRP Gregorio del Pilar sa West Philippine Sea bilang depensa sa teritoryo ng bansa, habang ang BRP Tagbanua ay gagamitin bilang cargo vessel ng mga tropa at gamit pandigma ng AFP.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply