PNoy pinakilos ang DSWD, DILG kaugnay sa Mindanao flashflood

IPINAG-UTOS na ngayon ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of the Interior and Local Government (DILG) na siguraduhing natutugunan ang pangangailangan ng mga residenteng apektado ng pagbaha sa Mindanao.

Magugunitang ilang katao na ang namatay at marami pa ang nawawala at stranded matapos tumaas ang tubig sa Cagayan de Oro at Iligan City dahil sa bagyong Sendong.

Sinabi ngayon ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na patuloy ang pakikipag-ugnayan ng Pangulo kina DSWD Secretary Dinky Soliman at DILG Secretary Jesse Robredo para makuha ang mga pinakahuling update.

Ayon kay Valte, kausap din ng gobyerno si Iligay City Mayor Lawrence Cruz para malaman ang pangangailangan ng kanilang mamamayan.

Napasugod din ang Pangulo sa Kampo Aguinaldo para alamin ang mas detalyadong report mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

“The President is aware of the situation already. He has been constantly updated by Secretaries Soliman and Robredo,” ani Valte. Kris Jose

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply