PNoy pinapapanagot sa trahedya sa CDO, Iligan

KAILANGANG papanagutin ang administrasyon sa kapabayaang nagresulta sa trahedya sa ilang lugar sa Mindanao dahil sa pagbalewala sa “disaster preparedness.”

Binigyang diin ngayon ni Kabataan Partylist Rep. Raymond Palatino na dapat panagutan ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III at ng kaniyang gabinete ang trahedya sa Cagayan de Oro at Iligan kung saan patuloy na tumataas ang bilang ng mga nasasawi dahil sa pagbaha at mudslide sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong “Sendong.”

“President Aquino and his cabinet should be held accountable for the veto of disaster preparedness in the 2011 calamity fund and for failing to install proper preventive measures to mitigate natural disasters,” ayon kay Palatino sa gitna ng mga pagtaya na posibleng umabot sa mahigit 1,000 ang mga biktima.

Ani Palatino, sa kalagitnaan ng budget deliberation nitong nagdaang Oktubre ay kinuwestyon ng kaniyang kampo ang ginawang pag-veto ni Pangulong Aquino sa P5 billion calamity fund.

Ito ayon sa kongresista ay pagpapakita lamang ng kawalan ng matibay at malinaw na programa ng gobyerno sa disaster preparation framework.

“Typhoons are inevitable but the damage they may cause are preventable. Government officials are right in saying that massive destruction in Northern Mindanao was not simply caused by the heavy rains; they are mistaken, however, to downplay the crucial role of disaster preparedness in alleviating the shattering impact of the deadly typhoon,” giit pa ni Palatino.

“The Executive is evading the issue on the lack of a rational disaster preparation program with its standard arrogance against valid criticisms. More than the relief goods and the perfunctory visits of the First Family to affected areas, what our Mindanaons ultimately need is justice for the criminal neglect of the government. The issue of disasters is inherently political in this regard as it involves government policies and accountability.”

Kinalampag ni Palatino ang pagpa-party ni Pangulong Aquino sa kasagsagan ng bagyong Sendong na aniya’y paglalarawan sa pagiging “insensitive” nito sa kapakanan ng mga mahihirap.

“That President Aquino was caught partying in the wake of Sendong is a form of insensitivity that exposes only the tip of the mud pile, as it were. The more serious kind of insensitivity the President is complicit to is the systemic disregard to the welfare of the poor who, in the absence of a rational disaster plan, are the most vulnerable during calamities,” sinabi pa ni Palatino.

Aniya, hindi sapat ang pamamahagi ng relief goods o anumang ayuda sa mga biktima kungdi panahon na upang ang administrasyon ay maglatag ng programa ukol sa pagtugon sa mga paghahanda sa mga kalamidad.

Isusulong ni Palatino ang House Resolution 1864 na nag-uudyok ng isang imbestigasyon sa masamang epekto na idinulot ng pag-veto ni Pangulong Aquino sa naturang pondo at ang kawalan ng rational disaster plan.

Sa ganitong paraan ayon kay Palatino ay makalalahok ang Malakanyang at iba’t ibang ahensya ng gobyerno sa inisyatibong ito, kabilang ang mga scientists, urban planners at people’s organizations nang sa gayun ay malikha ang disaster preparation plan na makatutulong sa maayos na pagpaplano sa pag-iwas sa malubhang epekto ng kalamidad. Meliza Maluntag

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply