PNoy tiwalang maililigtas pa ang OFW na bibitayin sa China

NANANALIG pa rin si Pangulong Benigno Aquino III na maisasalba pa ang buhay ng Pilipinong nasa death row sa China.

Ayon kay Pangulong Aquino, hanggang ngayon ay hinihintay pa rin niya ang sagot ni Chinese Pres. Hu Jintao sa kanyang ipinadalang sulat sa Beijing.

Subalit, sa kabilang banda ay kailangan pa rin na dapat tanggapin ang katotohanan na pinal na ang desisyon ng Chinese court at alalahaning hindi rin pinagbigyan ng China ang una nitong kahilingan na commutation of sentence para sa tatlong Pilipino na binitay kamakailan.

Nauna nang hindi pinagbigyan ng China ang hirit ni Vice Pres. Jejomar Binay na bumiyahe sa Beijing para personal na ipakiusap ang buhay ng kababayan.

Sa Disyembre 8 ay nakatakdang bitayin ang 35-anyos na Pinoy na nahulihan ng mahigit isang kilong heroin sa China.

Kasalatan naman sa “drug-sniffing dogs” ang nakikitang dahilan ng Pangulo sa laganap pa ring illegal drugs operation sa bansa.

Aniya,  16 na K-9 lamang ang nagagamit ng PDEA sa 16 na rehiyon sa bansa kaya mahirap talagang mabantayan ang napakalawak na shoreline kung saan ipinapasok ang mga iligal na droga.

Puspusan naman ang ginagawa ng mga awtoridad para masugpo ang nasabing salot sa lipunan.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply