PNoy hindi atat palitan si CJ Corona

PINALAGAN ni Pangulong Benigno Aquino III ang ibinabato sa kanyang paratang na atat na siyang palitan ng kanyang mga “tao” ang puwestong mababakante ni Supreme Court Chief Justice Renato Corona sakali at madiin ito sa impeachment complaint na isinampa laban sa kanya.

Tinuran ng Chief Executive na wala pa siya sa aspetong iyon subalit inamin nito na sinabihan na niya ang kanyang legal advisers na agad siyang bigyan ng shortlist na ikinukonsidera sa naturang posisyon.

Sa ngayon aniya ay wala pang ibinibigay na shortlist sa kanya ang kanyang legal advisers.

“None as yet. We’re concentrating on proving the issues that we raised and resolving the consequences of the wrong decisions we believe that they’ve executed,” anito.

Itinanggi naman ng Pangulong Aquino na inihanda na niya si Assiociate Justice Antonio Carpio para agad ipalit kay Corona.

“There’s no shortlist pero I can assure everybody that the criteria na, ‘di ba, parang sunud-sunuran sa lahat ng gusto mo is not, ano eh, is not an operative thing. At bakit, ano? One of the earliest things I learned from my dad is he was quoting—I think it was a Russian author eh—‘yung talking about ‘power corrupts and absolute power corrupts absolutely’. So ako I encourage all of my people to say: “eto ang gusto kong gawin, tell me your opinions—good or bad, kontra, suporta, et cetera—but after I make the decision medyo isa na dapat ang tono natin dito”. In the case of, ano, a co-equal branch, then you would want ‘no to strengthen the institution that can provide the check and balance down the line. And yet ‘yung getting a lapdog is not and has never been part of the concept that exists in our family, ano,” ang paliwanag ni Pangulong Aquino.

Binigyang diin nito na kung sino man ang kanyang itatalaga ay sisiguraduhin niyang karapat-dapat na maging SC chief justice.

“At the end of the day, whoever I appoint I would have to be able to look at anybody of our countrymen and say: “Ito ang best,” diing pahayag ng Punong Ehekutibo.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply