PNoy, VP Binay nanguna sa ‘Pabahay sa Pasay’

PINANGUNAHAN ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III at Bise Presidente Jejomar Binay ang ceremonial groundbreaking ng housing program sa lungsod ng Pasay.

Ang housing program ay mabibiyayaan ang may 4,200 residente na matagal ng walang pemanenteng tirahan. Ang pabahay sa maralitang residente ay itatayo sa Pasay City Motor Pool, na nasa Dolore st., Libertad sa nabanggit na lungsod.

Ang programang pabahay ay bilang pagsuporta ni Pangulong Aquino kay Pasay City Mayor Antonino Calixto na may temang “Pabahay ni PNoy: Bagong Simulaing Adhikain”.

Ang Pabahay ay itatayo sa anim sa housing site: 4,300 sqm sa BCDA property; 2,2400 sqm sa Motorpool; 400 sqm. sa Cuyegkaeng; 350 sqm. sa Villa Barbara; 375 sqm. sa F. Cruz, Malibay at 10-hectare ay inilaan para sa reclamation site sa Tanay, Rizal.

Pinasalamatan ni Calixto si Pangulong Aquino dahil sa pagbibigay importasya na mabigyan ng prayoridad ang lungsod ng Pasay para matamasa ang progrmang pabahay ng Pangulo. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply