PNP, AFP inalerto na sa Bagong Taon

INALERTO na ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) na maging handa sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Ani PNoy, bilang Commander-in-Chief, nais niyang matiyak na magiging mapayapa ang pagdiriwang ng Bagong Taon ng sambayanang Pilipino.

Umaasa rin si PNoy na hindi manggugulo ang mga rebeldeng New People’s Army (NPA) at iba pang elementong kriminal sa panahon ng holiday.

Matatandaang nagdeklara ang Pangulo ng suspension of military operations (SOMO) sa mga rebeldeng komunista na nagsimula noong Disyembre 18 at matatapos sa Enero 2 ng susunod na taon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply