PNP handa na sa pagbiyahe kay GMA

IGINIIT ng Philippine National Police (PNP) kaninang umaga na handang-handa na sila sa seguridad ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Representative Gloria Macapagal-Arroyo kapag pupunta ito sa korte para sa kanyang kinakaharap na kasong electoral sabotage.

Sinabi ni PNP Chief Deputy Director General Nicanor Bartolome na naplansta na nila ang kaukulang security arrangements para sa pagbiyahe ni dating Ehekutibo ng bansa mula sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) patungong Pasay City Regional Trial Court at pabalik.

“All the necessary security arrangements will be done whenever we are given an order by the court to transfer the former president from the Veterans hospital to whichever court that will hear her case,” pahayag ni Bartolome.

“Just like any case, we will be preparing for the worst case scenario. She’s a high-profile personality and therefore, our preparations are always anchored on the worst case (scenario),” dagdag pa ng PNP chief.

Nilinaw naman agad ni Bartolome na hindi nila papayagan si Mrs. Arroyo na makapamili ng klase ng sasakyan na nais nitong gamitin kapag kailangan siyang pumunta sa korte.

“We will consider any request, but of course, it has to be properly allowed by authorities. But the PNP will have to consider other circumstances that may necessitate the use of more modern vehicles that can give her better protection and security,” paliwanag ni Bartolome.

Nitong nakaraang Biyernes (Disyembre 9), inilipat si Gng. Arroyo sa VMMC sa Quezon City para isailalim sa isang hospital arrest habang dinidinig ang paglilitis ng kanyang kasong electoral sabotage. Robert C. Ticzon

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply