PNP tumanggap ng P4-M donasyon sa PAGCOR

TUMANGGAP ng P4 milyon donasyon ang Philippine National Police (PNP) buhat sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) para sa pagbili ng mamahaling equipment sa PNP General Hospital.

Nabatid na gagamitin ang naturang halaga sa pagbili ng “Multix Swing X-ray Machine,” isa sa pinakamataas na teknolohiya sa medisina para sa pagamutan na binibenipisyuhan ang mga nagkakasakit na alagad ng batas at mga kapamilya.

Ang naturang donasyon ay bahagi ng programang “Pamaskong Handog ng PAGCOR 2011: 25 Days of Christmas, 25 Years of PACGOR.”

“Natutuwa po tayo dahil sa ganitong panahon, nabigyan ninyo ng kasiyahan ang ating mga pasyenteng pulis,” ayon kay PNP chief, Director General Nicanor Bartolome sa kanyang pagpapaasalamat kay PACGOR chairman Bong Naguiat.

Bukod sa naturang halaga, namahagi rin ang PAGCOR ng “gift packs” sa 150 pasyente ng PNP General Hospital.

Sinabi namanni PNP Deputy Director General Arturo Cacdac na ang bibilhing X-ray equipment ay labis na magpapataas sa kalidad ng serbisyo na maibibigay ng kanilang pagamutan sa mga nagkakasakit na pulis at mga kaanak.  Isa sa instrument upang maging malusog ang puwersa ng kapulisan sa bansa.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply