PNP wala pang pondo para kay GMA

AMINADO ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na mangangalap pa lamang sila ng pagkukunan ng pondo para sa mga gastusin ng dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo na nakatakdang ilipat sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) sa Quezon City.

Ipinaliwanag ni PNP chief Director General Nicanor Bartolome na hindi nakapaloob sa kanilang budget para sa mga “programmed activity” ang kaso ni dating Pangulong Arroyo kung kaya’t walang nakalaang pondo para dito.

Matatandaan na inihayag ni Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo na aakuin ng gobyerno ang “basic expenses” ni Ginang Arroyo sa ospital.

Kaugnay nang naantalag paglipat ni Ginang Arroyo sa VMMC ngayong araw ay inako naman ng PNP ang bahagi ng pagkukulang dito.

Ani Bartolome, marami pang dapat ayusin at kumpletuhin sa kwarto gaya ng comfort room at ang kitchen area.

Hinihiling din ng PNP chief na sana ay makumpleto ang pag-aayos sa Biyernes (Disyembre 9).

Gayunman, ani Bartolome, handang-handa na ang security arragements sa VMMC.

May mga umiiral ng hospital rules ngunit mahalaga na matutukan umano ang seguridad ng dating Pangulo.

“Kakaiba kasi ang sitwasyong ito, sa loob ng hospital. Kung susundin natin ang hospital rules ibang oras din yan. Kabilang ang jail management, iba ang gagamitin,” dagdag nito.

Nilinaw din ng heneral na tanging ang korte lamang ang makapagdedesisyon hinggil sa kahilingan ni Arroyo na mapayagan itong makabitbit ng cellphone at laptop sa loob ng kaniyang kuwarto.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply