PNP walang holiday

NANANATILING nakataas ang antas ng seguridad ng Philippine National Police (PNP) kahit sa araw ng Pasko at maging sa pagsapit ng Bagong Taon.

Ito ang ginawang pagtiyak  ni PNP spokesman, P/Chief Supt Agrimero Cruz Jr., nang ihayag nitong partikular na tututukan ng mga nai-deploy na pulis ang mga matataong lugar gaya ng bus terminal, paliparan, pantalan, simabahan, parks at maging sa mga shopping mall ngayong panahon ng Kapaskuhan.

Matatandaang inatasan  ni PNP Chief Director Gen. Nicanor Bartolome ang bawat PNP regional commanders na siguruhin ang kaligtasan ng mga magbabakasyon sa kani-kanilang mga lalawigan kaya’t walang holiday sa kanilang hanay.

Inihayag ni Bartolome na ang PNP-NCRPO ang siyang mangasiwa sa seguridad sa pagbuhos ng libu-libong mga pasahero sa mga bus terminal sa Metro Manila lalo na paliparan at pantalan.

Sinabi ng PNP chief na tiyakin lamang ng mga pamilyang lalabas para sa long weekend holiday na maayos at ipagbigay alam sa mga kapitbahay ang kanilang iiwanang mga tahanan.

Una ng nag-deploy ang pulisya ng mga tauhan sa mga terminals bilang paghahanda sa siksikan ng maraming mga pasaherong nagbabakasyon tuwing Pasko at Bagong Taon. Verlin Ruiz

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply