PNP walang makitang banta sa buhay ni GMA

WALANG nakikitang immediate threat ang Philippine National Police sa buhay ng dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na dapat ikaalarma at pagbasehan ng mas malalim na imbestigasyon.

Ito ang naging pahayag ng PNP kasunod nang pakikipag-ugayan ng mga awtoridad sa kampo ng dating Pangulo kaugnay na rin sa nakatakdang paglilipat nito sa Veterans Memorial Medical Center sa Quezon City.

Ayon sa PNP, wala silang nakikitang dahilan para magkaroon ng banta sa buhay si Arroyo habang nasa St. Luke’s Medical Center matapos ang pakikipagpulong ng pulisya sa tagapagsalita ni Arroyo na si Elena Bautista-Horn.

Sinabi ni PNP chief Gen. Bartolome na general information lamang umano ang ibinigay ni Horn sa pulisya kung kaya’t hindi umano nila iimbestigahan ang nasabing report na una nang ibinunyag ni Horn sa media.

Ngunit sa kabila nito, tiniyak naman ni Bartolome na ipatutupad pa rin nila ang maigting na seguridad sa araw ng paglipat kay Arroyo sa VMMC.

Aniya, kailangan ang police security sa nasabing araw dahil sa maraming mga militanteng grupo umano ang nagbabalak na magsagawa ng kilos-protesta upang sabayan ang paglipat ni Gng. Arroyo sa VMMC.

Magugunitang inihayag ni Interior and Local Government Secretary Robredo na imahinasyon lamang ni Horn ang pinalulutang na banta sa buhay ng dating Pangulo, partikular na ang “Oplan Put the Little Girl To Sleep,” ngunit sinabi ng kalihim na may basehan ito upang imbestigahan si Horn.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply