POEA: OFWs OK na ulit magtrabaho sa ‘unsafe destination’

IPINAHAYAG ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na maaari na muling magtrabaho ang overseas Filipino workers (OFWs) sa 37 bansa na unang idineklarang “unsafe destination.”

Kaugnay nito, sinabi ni POEA Chief Carlos Cao na nakatakda nang mag-isyu ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng sertipikasyon ng listahan ng 37 bansa na pwedeng puntahan ng mga Pinoy worker.

Magugunitang inilabas ng DFA ang 41 bansang hindi maaaring puntahan ng mga OFW dahil sa mga kaguluhang nagaganap doon.

Nilinaw ni Labor Secretary Rosalinda Baldoz na hindi dapat mabahala ang mga OFWs at ipinaliwanag na ang paglabas ng isyu hinggil sa mga bansa na hindi pwedeng pagtrabahuhan ay walang malaking impact sa mga Pinoy.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply