Police informer, itinumba sa Quezon City

TODAS ang isang “police informer” makaraang barilin at mapatay habang naglalakad pauwi sa kanilang bahay sa Quezon City kagabi.

Namatay noon din sa lugar na pinangyarihan ng insidente ang biktima na kinilala lamang sa alyas “Wilfredo” tinatayang nasa 40-45-anyos, 5’5” ang taas, medium built, naka-bullcap at nakasuot ng t-shirt at asul na pantalon bunga ng tinamong tama ng hindi mabatid na kalibre ng baril sa kanyang likod.

Ayon sa ulat ni PO2 Rommel Mayo ng Quezon City Police District District Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), naganap ang pamamaril sa biktima dakong 7:15 ng gabi sa panulukan ng Leyte at Bulacan St. Brgy. Payatas B, QC.

Sinabi ng isang Merly de la Pena, residente sa lugar nakarinig na lamang siya ng putok hindi kalayuan sa kanila at ng kanilang tingnan ay nakita nila ang biktima na duguang nakasubsob at wala nang buhay.

Ayon sa ilang residente, sinasabing police informer ang  biktima at may minamanmanan sa lugar na sinasabing may nagaganap na bentahan ng shabu.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply