Political prisoners palayain– Rep. Tinio

MULING nanawagan ngayon si ACT Teachers Party-list Rep. Antonio Tinio na palayain na ang lahat ng mga political prisoner sa bansa.

Ani Tinio, nagbubulag-bulagan si Pangulong Benigno Simeon Aquino III sa pagsasabing walang political prisoners sa bansa.

Kitang-kita umano ang kawalan ng hustisya ng gobyerno laban sa mga mamamayan na piniling tutulan ang gobyerno.

Batay sa impormasyong nasagap ng Karapatan, sa 356 political prisoner sa bansa, 303 o 85% ang kinasuhan ng karaniwang krimen samantalang 15 o 4% lamang ang kinasuhan ng political offenses tulad ng rebelyon.

Gayundin, 78 umano ang inaresto at dinetine sa ilalim ng administrasyong Aquino.

Kahit umano ang mga guro ay hindi nakaligtas sa arbitrary arrest at detention, ani Tinio.

Sinabi rin ni Tinio na kung mayroong dapat ikulong, iyon ay si dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Nailipat na si Arroyo sa Veterans Memorial Medical Center na nasa ilalim ng hospital arrest.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply