Poll fraud probe ibinitin muli ni TG

MULING nabitin ang taumbayan na matunghayan ang katotohanan sa umano’y naganap na dayaan sa halalan noong 2004 at 2007 matapos na muling ipagpaliban ang pagdinig dito ng Senate Blue Ribbon Committee sa pamumuno ni Sen. Teofisto Guingona III.

Nakatakda sanang dinggin ngayong araw (Lunes, Disyembre 19) ang pagding ng komite sa dayaan sa halalan, ngunit muling naunsyami at wala ring advisory ang tanggapan ni Guingona kung ano ang dahilan ng pagpapaliban.

Noong nakaraang linggo, dapat ay natuloy ang pagdinig ngunit nagpasya ang pamunuan ng komite na magkaroon ng executive session na sumentro sa wire tapping issue o tinaguriang “Hello, Garci” tape scandal.

Tumagal ang executive session nang mahigit-kumulang sa tatlong oras na walang napala ang publiko sa nilalaman ng pagdinig kundi tanging “national security concern” ang naibulalas ni Guingona.

Ngunit, sinabi ni Sen. Francis “Chiz” Escudero na naitanong sa mga inimbitahang resource person kung sino ang nag-utos sa Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP) na isagawa ang wire tapping at kung sino ang target nito.

Aniya, nagbanggit ng tatlong pangalan ang tumestigo sa executive session kung sino ang nag-utos na magsagawa ng wiretapping na isang opisyal na kasalukuyang nagsisilbi sa military.

“Pero, hindi tayo kumbinsido sa impormasyon na nakuha natin sa executive session dahil tila nagpipigil o natatakot ang mga resource persons,” ayon kay Escudero.

Dahil dito, pinayuhan ni Escudero ang mga resource person na huwag nang matakot o magpigil na ibulalas ang kanilang nalalaman dahil malamang hindi na nakapuwesto ang babanggitin na opisyal.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply